Nasasabik ang mga bisita sa pamamalagi, serbisyo, at karanasan sa tuluyan, pero nauunawaan naming may mga pagkakataon na kailangan mong magkansela.
Kapag alam mo nang kailangan mong magkansela, padalhan ang mga bisita ng mensahe sa lalong madaling panahon para makapagplano sila ng iba.
Kung kakanselahin mo ang reserbasyon ng bisita, aabisuhan siya kaagad sa pamamagitan ng email at padadalhan siya ng mga mapagpipilian para sa muling pagbu‑book na katulad ng listing mo. Hindi ka makakatanggap ng payout para sa nakanselang reserbasyon, at bibigyan ang bisita ng buong refund.
Isang espesyal na sitwasyon ang pagkansela ng reserbasyon sa loob ng 24 na oras bago ang pag-check in o pagkatapos magsimula ng biyahe —kakailanganin mong makipag- ugnayan sa amin para humingi ng tulong tungkol dito.
Ang pagkansela ng reserbasyon ng bisita ay maaaring magkaroon ng malubhang implikasyon para sa kanilang biyahe, kaya maaari kaming magpataw ng mga bayarin at iba pang kahihinatnan. Matuto pa tungkol sa mga ito sa patakaran sa pagkansela ng host para sa mga tuluyan at patakaran sa pagkansela ng host para sa mga serbisyo at karanasan.
Hindi namin sisingilin ang mga bayarin at, sa ilang sitwasyon, ang iba pang magiging resulta, kung magkakansela ka dahil sa isang malaking nakakaudlot na pangyayari o ilang partikular na wastong dahilan na hindi mo kontrolado.