Palaging unahin munang magpadala ng mensahe sa iyong host para mapag-usapan ninyo kung ano ang puwedeng maging solusyon. Malamang na matutulungan ka niyang ayusin ang isyu. Kung hindi makakatulong ang iyong host o gusto mong humiling ng refund, narito kami para suportahan ka.
Narito kung paano maghanda:
Bagama't gusto naming direktang ayusin ng mga host at bisita ang mga bagay-bagay kung magagawa nila, alam naming hindi ito palaging posible. Kung magkaroon ng isyung hindi mo malutas kasama ng iyong host (o tumanggi ang host mo o hindi siya sumasagot sa iyong kahilingan para sa refund), ipaalam ito sa amin at may miyembro ng aming team na tutulong.
Kung mapag-alaman naming protektado ng AirCover ang isyu, bibigyan ka namin ng buo o bahagyang refund, o, depende sa mga sitwasyon, hahanapan ka namin ng katulad o mas magandang lugar na matutuluyan.
Tandaang mayroon kang 72 oras para iulat ang anumang isyu sa amin mula sa oras na malaman mo ang tungkol dito.
Para sa mga isyung maaaring magdulot ng agarang panganib, tulad ng mga surot, amag, o iba pang allergen, makipag-ugnayan sa mga lokal na serbisyong pang-emergency kung kailangan. Kung kailangan mo ng tulong sa iyong reserbasyon, puwede kang magpadala ng kahilingan sa Airbnb, at tutukuyin namin ang naaangkop na resolusyon ayon sa aming Patakaran sa Muling Pagbu-book at Pag-refund.