Minsan, maaaring kailanganin ng mga host, bisita, o taga - book na baguhin o kanselahin ang reserbasyon sa Airbnb.org. Kapag nangyari ito, mahalagang ipaalam ang anumang pagbabago sa lahat ng sangkot gamit ang thread ng mensahe sa lalong madaling panahon.
Pareho ang proseso ng pagbabago o pagkansela ng reserbasyon sa Airbnb.org para sa mga regular na reserbasyon sa Airbnb.
Kung kailangan mong gumawa ng pagbabago sa reserbasyon sa Airbnb.org bilang host o bisita, puwede kang magsumite ng kahilingan sa pagbago ng reserbasyon.
Kung na - book mo ang iyong pamamalagi gamit ang kaloob, maaari mong pahabain ang iyong pamamalagi hanggang sa kabuuang halaga ng kaloob hangga 't may availability ang listing (makikita mo ang halaga ng iyong kaloob sa imbitasyon sa email na natanggap mo bago mag - book).
Hindi ka maaaring magdagdag ng isa pang paraan ng pagbabayad sa isang reserbasyon. Kung kailangan mong pahabain ang iyong pamamalagi pero naabot mo na ang limitasyon ng kaloob mo, kailangan mong mag - book ng bagong pamamalagi gamit ang ibang paraan ng pagbabayad.
Kung kailangan mong magkansela ng reserbasyon sa Airbnb.org bilang host o bisita, katulad ito ng regular na reserbasyon sa Airbnb.
Kung isa kang host at kinansela ng iyong bisita sa Airbnb.org ang kanyang reserbasyon, aabisuhan ka namin at awtomatiko naming ia - unblock ang mga petsa sa iyong kalendaryo para makapag - host ka ng iba pang bisita. Kung nagkansela dapat ang iyong bisita pero hindi ito ginawa, kanselahin ang reserbasyon at makipag - ugnayan sa aming team ng suporta para humingi ng tulong para maiwasan ang anumang kahihinatnan.
Kung magkakansela ang bisita pagkatapos niyang mag - check in, kinakailangang umalis siya sa iyong listing sa sandaling magkansela siya.